Batay sa datos ng Statista nakaraang 2020, tinataya na ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na nangunguna sa paggamit ng Social Media sa Southeast Asia. Hindi na ito nakakagulat sapagkat marami naman talagang Pinoy ang naengganyo sa paggamit ng mga social media applications tulad na nga lang ng Facebook, na kahit noong 2019 ay may 74 milyon na user sa Pilipinas at inaasahan na aabot hanggang 88.1 milyon sa taong 2025. Dahil sa mga numerong ito at sa likas na pagiging maparaan ng mga Pinoy, lalo na pagdating sa pagkakakitaan ng pera… Maraming mga indibidwal na rin ang natuto na gamitin ang mga social media application upang makahanap ng mga mamimili. At dahil diyan, maraming Pinoy ang nahikayat na mag online selling.
Pero ano ba ang online selling? Kung hindi ka pamilyar sa salita na ito, bibigyan kita ng halimbawa. Naranasan mo na ba na mag scroll sa Facebook at di kalaunan ay makita ang post ng kaibigan mo na nagbebenta ng pagkain,damit at iba pa– sa internet? Ayan ang online selling. Mula sa salitang online, na ibig sabihin ay nasa internet. Kailangan ang electronic devices at WiFi o Mobile Data connection para makapag benta ka online. Maraming konsyumer ang nais bumili ng mga produkto o serbisyo gamit ang social media dahil malaking kaginhawaan ang naidudulot nito sa kanila. Hindi na kailangan mag-commute o ‘di kaya’y makipag siksikan sa mall o palengke para lang makuha mo ang kailangan mo.
Kung nais mong magsimula ng online selling, pwede kang tulungan ni iPera para sa iyong puhunan. Tulad ng online selling, maginhawa at mabilis rin ang proseso ng pangungutang sa iPera dahil ang lahat ng transaksyon ay pawang online lang din! Ayos ‘di ba? Bukod diyan, madali lang din makuha ang perang hihiramin mo dahil automatik itong idedeposit ni iPera sa iyong banko.
Contact us to apply off-line. We will support you through the application process
No hidden fees, ever. That’s our promise
Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.
We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations
Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply