Blue Fin Lending Asia Inc


Bakit hindi ka makapag-ipon?



Marahil ay ilang beses mo ng binalak na mag-ipon at bumili ng alkansya. Pero sabihin na natin na nagawa mo ngang makapag-ipon pero gaano katagal bago mo ito buksan? Yung naipon mo bang pera ay binuksan mo makalipas ang tatlong buwan para mabili lang yung cellphone na gusto mo? Kung ganun ang ginawa mo, sa palagay mo ba ay worth it ang pag-iipon na ginawa mo? Maaaring kaya lagi mong nagagastos ang iyong  ipon ay dahil hindi mo talaga alam kung para saan ang pera na tinatago mo. Ngunit hindi iyon ang tamang pag-iimpok ng pera. Sa epektibong pag-iipon kailangan ng plano at disiplina.Masarap sa pakiramdam na mayroon tayong na-iipon upang mayroon tayong maaasahan o madudukot na pera lalo na kung may mga pangyayari na hindi inaasahan. Isa din itong hakbang upang matiyak ang iyong financial health.

 

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit ka nahihirapan makapag-ipon:

 

  1. Sobrang Paggastos - kahit gaano kalaki ang iyong kinikita kung mas malaki naman ang iyong gastos ay talagang hindi ka makakapag ipon ng pera. Ang solusyon sa problemang ito ay gumastos lang ng akma sa iyong kinikita at iwasang bumili ng mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan.  
  2. Hindi Sapat ang Kinikita - walang sapat na natitirang pera para makapag-ipon. Ito ang pinaka-karaniwang dahilan ng mga tao kaya hindi nakapag-ipon ngunit kung ganito lagi ang iyong dahilan ay hindi ka talaga makakapag-tabi ng pera. Maaari kang gumawa ng ibang paraan gaya ng paghahanap ng ekstrang trabaho upang madagdagan ang iyong kita.
  3. Baon sa Utang - napakahirap kung ang isang tao ay baon sa utang na halos lahat ng kinikita ay napupunta nalang sa pambayad ng utang. Hindi parin ito sapat na dahilan para hindi ka maglaan ng pera sa iyong pag-iipon. Minsan ay hindi talaga maiiwasan na tayo ay mangutang lalo na kapag tayo na nagigipit. Ang tanging solusyon dito ay ang pagkakaroon ng tamang disiplina at hangga’t maaari ay iwasang magdagdag ng utang.At kung hindi talaga maiiwasan na mag loan ay siguraduhing pumili ng may mas mababang interes gaya ng iPera.

iPera. Your future, Today.

 

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply