Blue Fin Lending Asia Inc


Kahalagahan ng Bank Account



Tayong mga Pilipino ang usapin tungkol sa pera ay sensitibo at limitadong pinag uusapan sa isang diskusyon. Ang pag iimpok ng pera ay hindi nakaugalian bagkus ay iniiwasan sa kadahilanan na ang pagtatago ng pera ay may kaakibat na pangyayari na hindi inaasahan. Ngunit sa mga nagdaang taon ay naging bukas ang ating isipan at dahil na din sa makabagong panahon  ay naging bukas tayo na ang pag iimpok ng pera ay isa ng responsibilidad at isang pamantayan lalo na kapag ikaw ay nasa wastong gulang.

 

 Sa makabagong panahon tinuturo nito na  ang isang indibidwal ay kailangan mag impok ng pera at may siguraduhang plano sa buhay. Marahil ang ilan sa Pilipino ay natatakot mag lagay ng pera sa bangko ngunit sa paksang ito pag uusapan natin ang kahalagahan kung bakit kailangan may bank account ang isang tao. 

 

Unang dahilan kung bakit kailangan may bank account ang isang tao ay ang tinatawag na seguridad. Maaaring makapag ipon ka sa ilalim ng iyong kama, aparador o kahit saan sulok ng iyong bahay ngunit possible itong mawala at walang katiyakan na ito ay maibabalik pa. Kapag ikaw ay may bank account ang pera mo ay nakakasiguro at di basta mawawala dahil ito ay naka insured at ikaw lamang ang may kakayahang makapag access sa iyong account.Kapag ikaw ay may bank account malalaman mo agad kung saan at kung anong oras mo nagamit ang iyong pera sa isang transaksyon. 

 

Pangalawa, Interest earning maaari kang kumita sa pag iipon sa bangko sa pamamagitan lamang ng paglagay ng pera sa iyong account. Tumataas ang interest nito na wala kang gagawin o iisipin sa iyong pera.

 

Pangatlo, Ito ay Convenience. Maaaring naiisip mo pa din na maganda at ligtas ang magimpok sa bahay ngunit sa gitna ng pandemya ang pagkakaroon ng pera sa banko ay mas mainam at mahalaga lalo na kapag ikaw ay may buwanang bayarin. Tayo ay nabubuhay sa panahon na lahat ay digital at online. Ang bayarin sa meralco, tubig, internet at iba pa ay maaari mong bayaran sa pamamagitan ng iyong online bank account hindi mo na kailangan pang lumabas ng bahay upang sadyain pumila at mag biyahe sa pagbabayad. Mas ligtas at  protektado ang iyong pamilya sa online banking sa pag iwas na hindi mahawa at di makihalubilo ang taong may dalang virus. Hindi lamang pagbabayad ang benepisyo ng online banking ngunit maaari ka ding mag padala ng pera sa mahal mo sa buhay.

 

Ilan lamang ito sa benepisyo o advantage na ikaw ay may bank account. Sa panahong ito mas isipin natin ang proteksyon di lamang ng ating sarili kundi ng ating pamilya. Ang oras ay mahalaga kaya kailangan tayo ay handa sa buhay pinansyal. Mag ipon ng regular para sa iyong kinabukasan.

 

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply