Ang mga Pilipino ay tanyag sa pagiging masayahin na mga indibidwal, ika nga e ‘It’s more fun in the Philippines’ hindi ba? Sa tagline pa lang ng Department of Tourism ay nagpapakita na ang mga Pinoy ay mahilig sa kasiyahan. Halata naman sa dami ng fiesta natin hindi ba? Minsan nga sa sobrang gusto natin ng kasiyahan ay lahat na lang na pwedeng ipagdiwang ay pinaghahandaan. Ngunit minsan tila napapa sobra naman din ang ating kasiyahan lalo na kapag may pera na kaakibat. Sabi nga ay maikli lamang ang buhay kaya dapat sulitin mo ito, kung may pera ka kainin mo ang mga gusto mo at kung may pang-travel ka ay sulitin mo habang maaga at kaya mo pa.Ngunit tama ba na gastusin ang pera para sa ikakasaya mo. Hindi masama na gawin ito subalit kailangan ng tamang disiplina sa bawat paggastos ng pera.
Kailan nga ba ang tamang panahon para i-enjoy ang pera? May panahon ba talaga na hihintayin bago makapag-relax? Paano kung dumating ang panahon na gusto mo na mag relax gamit ang pera mo pero hindi na kaya ng iyong katawan? Kung tutuusin, walang tamang panahon para i-enjoy ang pera dahil maaari mo naman itong gastusin araw-araw at bilhin ang iyong gusto.
Maaari kang mag-enjoy gamit ang iyong pera sa basta siguraduhin muna na maayos ang iyong budget. Maganda na inuuna mo ang mga bayarin at savings pero huwag kakalimutan na dapat magtira parin para sa sarili. Sa paraan na iyon ay hindi ka pa mabilis na magsasawa na magtrabaho dahil hindi mo mararamdaman na parang nahihirapan ka sa wala. Mas mabuti rin na ipadama sa sarili na hindi nakokompromiso ang kasiyahan mo dahil sa iyong mga responsibilidad.
Contact us to apply off-line. We will support you through the application process
No hidden fees, ever. That’s our promise
Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.
We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations
Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply