Bagong taon na naman at bagong new year’s resolution nanaman ang ating gagawin ngayong taong 2022. Pero sabi nga ay mas maigi na nagsisimula kaysa walang ginagawa upang makamit ang pangarap. Ngayon 2022, nais natin simulan ang lahat sa tamang pamamahala ng pera. Nasaksihan at naranasan natin ang pinansyal na krisis nitong mga nagdaan na taon kaya naman siguro, alam na natin sa ngayon ang kahalagahan ng pag-iimpok at pagbabawas sa iilang luho.
Kung nais mo na magbagong buhay, nasa tamang lugar ka upang malaman ang ilang New Year’s Money Resolution na tiyak na kayang-kaya mong simulan ngayon din.
Year 2022 Money Resolutions
Magplano ng iyong long-term at short-term na financial goals - maglista ng detalyado at makatotohanan na mga plano na nais mong makamit. Hindi sapat ang mag iipon lang at nagtatabi lang ng pera, dapat ay mayroon kang pinag-iipunan at may nilalayon kang gawin sa pera na iyong iniimpok.
Magplano kung paano mapapadami ang iyong cash flow - pansinin mo ang iyong pera, puro palabas ba? Kung oo, aba dapat pinag-iisipan mo na kung paano sa palagay mo mas mapapadami ang pera na dumadating sa iyo kaysa sa gastos. Pwede mong simulan ang pagkakaroon nito sa pagtatabi ng 10% sa kada pera na natatanggap mo. Sa ganitong paraan, hindi nasisimot ang pera mo at may naitatabi ka para sa ibang bagay na maari mong gamitin upang makapag-invest sa mga negosyo.
Magplano kung paano mababawasan o mauubos ang listahan ng utang - isa sa mga bagay na humahadlang upang maging malaya sa aspetong pinansyal ay ang pagkakaroon ng utang. Ngayon 2022, unahin na mabayaran ang mga pinaghiraman ng pera at sikapin na huwag na umulit pa. Kung ikaw ay mayroon ng mga utang, mas mainam na simulan mo ang taong ito sa pagbabayad sa mga maliliit na halaga hanggang sa matira ang malalaking utang. Hindi mo namamalayan na naubos mo na ang iyong listahan at kapag nagawa mo na iyon, maging mahigpit na at makabuluhan sa pag gastos.
Contact us to apply off-line. We will support you through the application process
No hidden fees, ever. That’s our promise
Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.
We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations
Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply