Malamang nakabili ka na rin ng mga baboy na alkansya o hindi kaya ay isa sa mga sumubok mag bukas ng savings account sa banko. Ngayon tatanungin kita, kumusta naman? Nakaipon ka ba? Kung oo, nasaan na ang ipon mo? Napalago ba o naubos lang din. Kung hindi naman ang sagot mo, bakit? Ano ang nangyari? Gusto nating lahat ang magkaroon ng pera, pero ang tinutukoy ko na pera ay hindi lamang pera pambili ng pagkain at pambayad sa mga utang at bills sa bahay. Ang sinabi kong pagkakaroon ng pera ay ang pagkakaroon din ng sense of security kung sakali na ikaw ay tumanda at hindi na kayang magtrabaho o kung may nagkasakit sa pamilya.
Kung nais mong maging financially secured, mabuti na sa punto na ito ay simulan mo na ang pagtatabi ng pera. Pero bago ang lahat mabuti muna na malaman mo kung paano ang tamang pag-iipon. Oo, may tama at mali na paraan sa pag tabi ng pera.
Mga paraan kung paano ang tamang pag-iipon:
1.Alamin ang monthly income- kung ikaw ay walang monthly income at isang freelancer, i-add mo ang kabuuang income na inaasahan mo na matatanggap sa buong taon at hatiin ito sa 12 na buwan at iyon ang iyong estimated na monthly income. Kapag malinaw sayo kung magkano lang ang kinikita mo ay maintindihan mo kung ano lang ba ang kaya mong itabi.
2.Mag budget- kumuha ng papel at ilista ang mga binibili at ibawas ito sa iyong kinikita. Sa ganitong paraan ay pwede mong tanggalin ang mga gastusin na sa palagay mo ay hindi naman kailangan at luho lamang.
3.Maghanap ng iba pang source of income- kung kulang ang kinikita mo sa isang buwan para ikaw ay makapag-ipon, siguro ito na ang panahon para magsimula ka naman maghanap ng iba pang sideline na pwedeng magpasok sa iyo ng pera.
Contact us to apply off-line. We will support you through the application process
No hidden fees, ever. That’s our promise
Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.
We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations
Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply