Maraming dahilan kung bakit sobra tayong gumagastos. Maaaring ito ay dahil hindi natin alam ang ating tunay na mga gawi sa paggastos. Maaring mali ang pag-estima sa mga kita, gastos at pagbabayad sa utang. Anuman ang dahilan, kung handa ka ng kontrolin ang iyong mga pananalapi, ang mga tip na ito ay makakatulong na panatilihing nasa kontrol ang iyong paggastos. Ang pag-iwas sa pagbili ng mga sobra at di mahalagang bagay ay malaking tulong upang maiwasan ang labis na pag-gastos.
1.Gumawa ng Badyet
Ang unang hakbang sa paggawa ng badyet ay ang tukuyin ang halaga ng pera na iyong kinikita. Alamin ang mga kailangan bayaran na bills. Ilista ang mga araw-araw na pangangailangan gaya ng groceries. Bilhin lamang ang kailangan at iwasan bilhin ang wala naman sa listahan mo upang hindi masira ang pagbabadyet.
2. Bawasan ang Paggamit ng Credit Card
Nakakaaliw mamimili lalo na kung ikaw ay naka credit card dahil sa isang swipe mo lang ay makukuha mo na ang nais mong bilhin. Maaaring paalalahanan ang iyong sarili na gumastos nang mas kaunti o di kaya naman ay huwag ng dalhin ang credit card upang di matukso na gamitin ito. Ang malalaking halaga na utang sa credit card at ang interes nito ay maaaring maging sanhi ng problema pagdating ng araw.
3. Bawasan ang Paggastos sa Pagkain
Kailangan mong kumain at maglibang ngunit ang halaga ng ginagastos sa pagkain ay maaaring magbago, depende sa kung ano ang iyong kinakain at kung kakain ka sa labas o kakain sa bahay. Makakatipid ka ng pera sa pamamagitan pagpaplano ng isang lingguhang menu, paghahanda ng pagkain nang maaga, pag-stock sa iyong pantry at freezer.
Ang layunin ng pagkakaroon ng kontrol sa iyong mga gastos ay hindi nangangahulugan na tipirin ng sobra ang iyong sarili. Hindi mo mababago agad ang iyong mga nakasanayan sa loob ng isang araw lamang. Ngunit ang simpleng pag gawa ng hakbang upang maiwasan ang labis na pag gastos ay malaking tulong sa iyong pinansyal na pamumuhay.
Contact us to apply off-line. We will support you through the application process
No hidden fees, ever. That’s our promise
Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.
We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations
Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply