Blue Fin Lending Asia Inc


Paano Makatipid Sa Mga Regalo Sa Holiday



Ang pagbibigay ng regalo ay nakasanayan na nating gawin. Napakasarap sa pakiramdam ang mamigay ng regalo sa mga kaibigan,magulang at sa mga taong malalapit sa iyong puso. Ang pagbibigay ng regalo ay hindi naman kailangan na mahal at mabigat sa bulsa. Mahalagang tandaan na hindi kailangan gumastos ng sobra sa pamamigay ng regalo sa holiday. 

 

Sa pamamagitan ng iyong pagkamalikhain ay mahahanap mo ang magandang regalo ng hindi gumagastos ng malaki. Sa darating na kapaskuhan bago ka gumastos ng sobra narito ang ilang mga paraan para makatipid ng pera at mga ideya sa regalo.

 

Gumawa ng sariling regalo o DIY Gifts - ito ay nauusong paraan sa paggawa ng regalo,marami kang makikitang mga ideya sa Pinterest at mga  tutorial sa paggawa ng DIY gifts na maaaring mong sundan at gayahin. Maghanda ng listahan para sa mga kailangan mo upang magawa ang naiisip na regalo.

 

Mamimili ng maaga - maaari kang mamimili ng mas maaga upang siguradong makatipid ng pera. Sa pamimili ng maaga ay may panahon ka pang pag-isipan ang mga nais mong bilhin na regalo. Maaari ka din mamili at maghanap ng mga tindahan na maari kang makakuha ng diskwento.Mas nagmamahal ang bilihin habang papalapit ang kapaskuhan kaya mas mainam na mamili ng maaga.

 

Gumawa ng listahan - ilista ang mga taong nais bigyan ng regalo. Ilagay mo din ang mga bagay na nais mo iregalo at mga bagay na sa tingin mo ay magugustuhan nilang regalo.

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply