Marami kang mababasa na akda na sasabihin saýo kung gaano kahalaga ang pag-iimpok. Madali man sabihin na magtipid at mag-ipon, alam naman natin na hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng estado sa buhay. Kung sasabihin natin na importante na naka-budget ang pera para magkaroon ng detalyadong larawan kung magkano ang dapat ilaan na pera para sa pangangailangan at sa mga luho, paano naman kaya kung hindi rin naman ‘fixed’ ang sweldo na meron ka? Hindi mo alam kung kailan ka babayaran, at hindi mo siguro alam kung magkano ang iyong kikitain sa susunod na buwan. Ito ay isang pangkaraniwang senaryo para sa mga taong nagtatrabaho sa sarili o nagtatrabaho para sa komisyon.
Ngayon, hindi naman ibig sabihin ay wala ka ng kakayahan na magbudget. Basahin ang susunod na mga hakbang upang malaman ang mga wais na paraan ng pagba-budget kung ikaw ay walang eksaktong buwanang kita. Basahin ang tatlong paraan upang makapag-budget...
1.Tukuyin mo kung magkano ba talaga ang buwanang bayarin mo, kung alam mo kung magkano ang iyong babayaran, ay mas maging malinaw para sayo kung magkano ba talaga ang dapat na buwanang kita na mayroon ka.
2. Dahil hindi naman ‘fixed’ ang iyong sahod, mas mainam na maghanap ka ng paraan kung paano mo mas mapapababa ang iyong mga gastusin. Sa ganitong paraan, may mailalaan ka pa na pondo para mag-ipon. Mas maigi rin na paghandaan mo ang mga biglaang gastusin tulad ng birthday kung kailangan mo magregalo, o ‘di kaya kung may mga biglang dapat bilhin para sa eskwela o sa bahay tulad ng mga napunding ilaw o mga nasira na gripo.
3. At malamang, may mga panahon na marami kang kikitain kaysa sa ibang mga araw, kung sakali na mayroon kang extra na pera, mabuti na maging mautak kung paano mo ito gagastusin at itatabi para sa iyong savings.
Contact us to apply off-line. We will support you through the application process
No hidden fees, ever. That’s our promise
Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.
We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations
Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply