Blue Fin Lending Asia Inc


Tamang Pag-Invest ng Pera



Bago mo simulan ang pag invest ng pera, mabuting intindihin mo muna kung bakit mo ito nais gawin. Dapat malinaw muna sa sarili mo kung ikaw ba ay handa na maglaan ng oras at pag-aaral dito o dahil gusto mo lang. Tulad ng isang negosyo, ang pag i-invest ng pera ay kinakailangan rin na pag-isipan nang maigi. Ano ang layunin mo kaya gusto mag invest? Sa palagay mo ba kung mag iinvest ka ay matutupad mo yung mga layunin mo? Ano ba ang pinag-iipunan mo? Para sa bahay? Bagong sasakyan? Para sa pamilya ba o para makapagsimula ng pamilya? 

 

Mahalaga na isulat mo muna kung ano ba ang mga gusto mong makamit at gaano katagal mo ito nakikita na mangyayari. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ka ng malinaw na pananaw sa kung ano ang tamang investment plan na naaayon sa mga nais mo. 

 

Bago ka pumasok sa mundo ng investment ay mabuti na mayroon kang matatag na emergency fund. Ito ay savings mo na nakatabi at mabilis makuha kung sakali na kailangan mo ito. Lahat ng investments, kahit sa stocks, mutual funds, o real estate, ay may kaakibat na peligro kaya mas mabuti na dapat handa ka kung paano malalampasan ang pagsubok na ito. 

 

Sa totoo lang, maraming dahilan kung bakit hindi nag iinvest ang mga Pilipino. Isa na dito ay ang pagiging mainipin at maling pananaw. Tandaan na hindi isang gabi ang pagiging maunlad pagdating sa pag iinvest at kinakailangan ng mahabang pasensya ang sinuman na papasok sa negosyo na ito. Ngayon, kailan ba ang tamang panahon para simulan ang pag-iinvest? 

 

Siguraduhin na ikaw ay may sapat na kaalaman sa nais mong pasukin na investment plan bago ka magsimula. Kaya kung ikaw ay desididong ng mag-invest dapat ay malaman mo ang mga magagandang produkto kung saan pwede kang pang matagalang mamuhunan ng iyong pera. 

 

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply