Blue Fin Lending Asia Inc


Dapat Bang Kumuha Ng Life Insurance?



May mga insurance na ginagamit ang salitang ‘kumita’ ng pera para lamang maengganyo ang mga tao na kumuha nito. Oo, pwedeng dumoble ang perang hinulog sa insurance kada buwan pero tandaan natin na ang ibig sabihin at layunin ng insurance ay upang maprotektahan ka sa pinansyal na pagkalugi sa panahon ng kalamidad o emergency. Hindi investment ang insurance kundi proteksyon. Maling kumuha ng insurance kung ang layunin mo lang ay pagkakitaan iyong pagdating ng panahon. Bonus na lamang ito at hindi dapat gawing motibasyon..

Sa dami ng insurance na nasa merkado, marahil nakakalito talaga para sa isang tipikal na indibidwal ang mamili ng kontratang papasukin. May pang-edukasyon, kalusugan, bahay, at marami pang klase ng insurance. Pero sa article na ito, alamin muna natin kung ano ang life insurance. Ang life insurance ay nagsisilbing proteksyon ng isang insured na tao kung sakali na siya ay magkaroon ng disability, critical illness o aksidente at pumanaw ng hindi inaasahan. Makakatanggap ng pinansyal na tulong ang kanyang benepisyaryo mula sa insurance company at maaari silang makakuha ng pera na maaaring magamit sa panggastos o pambayad sa mga pinagkakautangan ng pumanaw.

Ayon sa World Health Organization noong 2018, ang life expectancy sa Pilipinas ay hanggang 69.3 taong gulang. At maraming dahilan ang maaaring maging sanhi kung bakit bumababa ang life expectancy ng isang tao ilan na rito ay dahil sa mga hindi masustansyang diet, mga bisyo tulad ng paninigarilyo at paginom ng alak, o sobrang stress. Sa panahon ngayon, mas mainam na kumuha ng life insurance lalo na kung pamilyado at marami nakadepende sa iyo. Kung walang panimula sa pagkuha ng life insurance, maaaring humiram ng pera sa iPera– ito ay isang online lending at makasisiguro ang seguridad sa iyong impormasyon. Maaari kang makautang sa iPera hanggang 10,00 pesos na maaari mong gamitin para masimulan sa iyong life insurance.

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply