Blue Fin Lending Asia Inc


Mga paraan para dumami ang customer



Ang unang iniisip ng mga nagbabalak na mag negosyo ay kung may bibili pa sa kanilang negosyo, matapos ay susundan ito kung may pamuhunan ba sila. Bakit hindi nauna ang pera? Simple lang dahil kung pinaplano mo pa lang na maghanap ng produkto na nais ibenta ay iisipin mo kaagad kung papatok ba ito sa mga tao. Kung pera naman ang isipin, madali lamang ‘yan masolusyunan lalo na at sa panahon ngayon ay digital na rin ang pangungutang at higit sa lahat rehistrado ng SEC at wala nang hassle dahil smartphone mo lang ang gagamitin para makapag-apply. Ang iPera ay nangunguna na lending application sa bansa pagdating sa usapin na ‘yan. 

 

Ngayong naresolba na natin ang pangalawa na problema, balikan ulit natin ang topic tungkol sa mga customer. Sige, ipagpalagay natin na may mga bumibili na sa’yo pero nakikita mo na hindi iyon sapat para lumago ang iyong negosyo. Dito papasok ang pagplaplano ng paraan para dumami ang customer. Paano nga ba? May secret formula ba? Sa totoo lamang ang pinaka-unang paraan para dumami ang kita ay siguraduhin na maganda at kalidad ng produkto o serbisyo na iyong ibibigay. At kapag sigurado ka na maganda ang iyong ibinibigay sa iyong mga mamimili, pwede mo na silang hingan ng pabor upang i-refer ka at hikayatin sila na mag iwan ng reviews sa iyong negosyo upang malaman mo rin sa iyong sarili kung saan ka nagkukulang at ano ang maganda na ginagawa mo na pwede mong gamitin sa iyong advantage para makahikayat din ng iba pang mamimili. 

 

Tandaan na walang nagsisimula na malago na kaagad. Hindi mo kailangan kainggitan ang mga negosyo na marami nang customers sapagkat nagsimula rin naman sila sa isa o dalawa na mamimili. Ang mahalaga dito ay hindi ka sumusuko at patuloy mong alamin kung ano ba ang mayroon sa tinda mo na wala sa iba. 

 

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply