Blue Fin Lending Asia Inc


Mga paraan para kumita kahit estudyante



Sa panahon ngayon kung saan halos kung anu-anong bagay ang naimbento, wala nang halos dahilan para sa sinuman ang hindi makapag simula ng negosyo. Lalo na at kahit sa Facebook ay talamak na ang mga indibidwal na nagbebenta. Ngayon, kung ikaw ay isang mag-aaral pa lamang at wala namang malaking puhunan para makapagsimula ng negosyo ay huwag ka munang mawalan ng pag-asa dahil may kasagutan tayo para sa alalahanin mo na iyan. Syempre, dapat buo muna ang loob mo na maging ‘negosyante’ dahil ang iyong pananaw rin ang siyang magiging kalaban mo kung magiging matagumpay ba ang negosyo na sisimulan mo o hindi. 

 

Ano nga ba muna ang mga pwedeng pagkakitaan kahit na ika’y estudyante na walang malaking pera pamuhunan at limitado rin ang oras sapagkat nag-aaral pa. 

 

  1. Reseller- gamit ang social media, pwede mong i-market ang iyong paninda para makakuha ng mga potential customers. Maging reseller ng mga beauty products na talaga namang tinatangkilik ng mga babae o di kaya maging reseller ng mga produkto sa inyong lugar na pwede mong ibenta sa iyong mga kakilala. May mga tindahan ng pagkain na nagpaparesell ng kanilang tinda tulad ng mga leche flan, kutsinta, o mga baked goods. 
  2. Manicurist/Hair cutter- kung ikaw ay may skills sa paglilinis ng mga kuko o paglalagay ng nail polish o sa pagupit ng buhok ay pwede kang maging freelancer para mga indibidwal na nais ng home service na manicure or hair cut. 
  3. Food delivery service- kung may talento ka sa pagluluto o kaya ay may special recipe na sa palagay mo ay iswak sa panlasa ay pwede kang magsimula ng ganitong negosyo. Magtalaga ng daily o weekly menu na iyong idedeliver sa isang takdang araw. 

 

Syempre, sa bawat negosyo hindi pa rin mawawala ang usaping puhunan. Ngayon, kung ikaw ay estudyante ay huwag mag-alala sapagkat nandyan ang iPera, kung saan pwede kang makahiram ng pera sa loob lamang ng ilang minuto para magsimula ng iyong negosyo.  

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply