Ang pagkuha ng pautang ay may kaakibat na ilang mga responsibilidad na maaaring makasama kapag ito ay napabayaan. Pinakamainam na gumawa ng pananaliksik upang makakuha ng ideya kung ano ang mga bagay na kailangan paghandaan kapag kukuha ng pautang. Ang pagpapanatili ng isang ng isang magandang record ay mahalaga. Kaya siguraduhin mabuti na mabayaran lahat ng utang at masulit ang perang hiniram. Narito ang ilang mga bagay na dapat pag isipan bago humiram ng pera.
Isiping mabuti ang kung magkano ang halaga na kailangan. Kung mas malaki ang halaga ng pautang, mas mataas ang mga rate ng interes. At dahil mas mataas ang mga rate ng interes, ang kahihinatnan ay kailangan mong magbayad ng higit at sa mas mahabang panahon ng pagbabayad.
Suriing mabuti ang iyong kakayahan na mabayaran ang perang hinihiram. Tingnan kung sapat ba ang iyong kita para mabayaran ang perang uutangin. Kung mas malaki ang kayang mong ibayad sa iyong utang,ay mas mabilis mo itong mababayaran ng tuluyan.
Piliin ang pinakamahusay at madaling opsyon sa pagbabayad upang maiwasan ang late payments at pagka overdue ng utang. Maraming opsyon sa pagbabayad gaya ng automatikong pagbawas sa iyong bank account at pagbabayad online.
Hindi maikakaila na marami ang ang nag-aalok ng pautang. Mayroong mga bangko, online lending,at pati na rin ang mga indibidwal na maaaring hiraman. Ngunit mahalagang pumili ng pasilidad na nagbibigay ng patas na mga tuntunin sa pagbabayad. Makakatulong din kung ito ay pinagkakatiwalaan at may magandang feedback galing sa kanilang kliyente.
Contact us to apply off-line. We will support you through the application process
No hidden fees, ever. That’s our promise
Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.
We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations
Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply